NAHALAL kamakailan si Johan Paul Ang bilang bagong miyembro ng board of directors ng San Miguel Corporation (SMC), ang panganay na anak ni Ramon S. Ang, na SMC president at chief operating officer (COO).

Si John Paul, na kasalukuyang presidente at chief executive officer ng Eagle Cement Corporation mula noong 2008, ay nagtrabaho sa isang Malaysian cement company sa loob ng 5-taon, kung saan niya natutunan ang tricks ng cement trade.

Ibinahagi niya ang kanyang kaalaman sa cement trade kung kaya’t ang Eagle Cement Corporation ay isa na ngayon sa pinakamalaking cement players sa bansa.

Ang Eagle Cement ay ang manufacturing venture ng chairman nitong si RSA. Ang day-to-day management nito ay pinangunahan ni John Paul Ang at kapatid na si CFO Monica L. Ang.

Si John Paul, na nagtapos sa Ateneo de Manila University, ay papalit sa yumaong si Reynaldo David, sa SMC board.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *