NAKUMPISKA ng mga pulis ang isang kilo ng hinihinalang shabu na may halagang Pph7-milyon mula sa isang delivery boy sa Barangay Ermita, Cebu City.

Ang suspect na kinilalang si Carlo Magno Tude, ay nadakip sa isang buy-bust operation ng City Drgu Enforcement Unit ng Cebu City Police Office.

Sa imbestigasyon, nalaman na si Tude ay isang delivery boy ng isang kilalang courier company ngunit hinihinalang ginagamit lang niya ang kanyang employment bilang courier ng iligal na droga.

Nalaman din na ang shabu ay galing sa isang preso sa Cebu City Jaila na kinilalang si Allen Ramas Badajos. Si Badajos ay nadakip sa isang buy-bust operation noong taong 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *