SA kabila ng kinakaharap nga bansa sa COVID-19 pandemic ay itutuloy ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) sa Marso.

Sinabi ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, papayagan nila ang ilang inductees ng physical presence o virtual sa awarding ceremony na itinakda sa Nobyembre.

Mayroong kabuuang 10 Filipino sports heroes ang iluluklok sa fourth batch ng Hall of Fame at nakatakdang tumanggap ng tig-P200,000.

Sa kasalukuyan, mahigit 40 atletang Pinoy mula noong 1924 hanggang 1994 ang nakatanggap ng nominasyon kasama ang namayapang si Ed Pacheco, naglaro para sa national football at basketball teams.

Sa Marso 5, ilalabas ng review committee na binubuo ng sports mediamen mula sa broadcast at print ang kanilang short list.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *