LILIMITAHAN na lamang ng gobyerno ng Japan ang mga taong sasama sa mga foreign delegations na dadalo sa Tokyo Olympics dahil pa rin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa pinakahuling pagpupulong na mayroong hanggang 11 katao lamang ang papayagan na isama sa bawat head of state habang ang mga cabinet-level delegations ay limitado lamang sa limang tao.

Ang mga VIP guest ay dapat sumailalim sa COVID-19 testing sa loob ng 72 oras bago magtungo sa Japan at ito ay isasailalim muli sa COVID-19 testing pagdating sa Japan.

Isa rin na ikinokonsidera ng gobyerno ay ang paglalagay lamang ng 50 percent ang kapasidad sa mga venue para hindi na lumala pa ang kaso ng hawaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *