Manila – Nasungkit ni Alex Eala ang kanyang kauna-unahang professional title matapos siyang magwagi laban kay Yvonne Cavalle-Reimers, ng Spain, sa women’s singles final.

Ang 15-anyos na si Eala, ay nanguna sa ITF W15 Manacor Tournament matapos ang nakakikilig na 5-7, 6-1 at 6-2, panalo laban kay Cavalle-Reimers Linggo ng gabi.

Makaraang mahirapan sa opening set, ipinakita ni Eala ang kanyang tatag at nangibabaw siya upang itumba ang 28-anyos na Cavalle-Reimers.

Siya ay nagwagi laban kay Adithya Karunaratne, ng Hong Kong sa score ng 6-3 at 6-4.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *