KINIKILIG na ibinahagi ng aktres na si Heart Evangelista ang kanyang ikalawang billboard sa sikat na times square ng New York City.

Sa kanyang instagram account, ipinost ni Heart ang kuha ng kanyang billboard sa times square kung saan mayroon siya hawak na bag na kasing kulay ng cotton candy.

Ayon kay Heart, itinuturing niya bilang panibagong blessing ang naturang billboard na kasabay na inilabas sa kanyang kaarawan ngayong araw.

Ang naturang billboard ay para sa advertisement ng LA’s threads by LA Faraoni kung saan tampok ang aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *