UMAABOT sa 12.2 million subscribers ang YouTube channel ni Ivana Alawi.

Ang latest vlog niya’y nagkunwari siyang pulubi na namamalimos. Obyus na prank lang ito pero mala-social experiment ‘yon.

Ang mga mabubuting loob na mag-aabot sa kanya ay gagawin niyang ten-fold o sampung beses na mas malaki.

Ayon sa ilang netizen, maganda at mapuso ang hangarin ni Ivana.

Pero may isa na nagkomento na hindi raw ba aware ang sexy actress na ang pamamalimos ay paglabag sa batas? Tinuran nito ang Presidential Decree 1653 o Anti-Mendicancy Law of 1978 na nilagdaan ng noo’y Pangulong Ferdinand Marcos.

Mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang mamalimos o magpalimos.

Posible kasi na ang ginawang vlog ni Ivana ay manghikayat ng mga street beggars.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *