LOVE knows no age. Age doesn’t matter.

Dalawa lang ito sa madalas ibigay na katwiran sa dalawang taong umiibig sa isa’t isa.

Swak dito ang sinasabing magkarelasyong sina Rico Blanco, 48 at Maris Racal, 23.

Dating nobyo nina KC Concepcion at Alessandra de Rossi si Rico, samantalang ex-girlfriend naman ni Inigo Pascual si Maris.

Kamakailan, nabahiran ng kulay ang simpleng birthday greeting ni Maris kay Rico na sinagot naman nito ng, “Hahaha, love you.”

In-upload din kasi ni maris ang video ng kanilang duet.

Malaki man ang agwat ng kanilang edad na parang mag-ama na kung tutuusin ang peg ay maraming fans ang kinilig. Anila, hindi na raw bago ang “May December affair” sa showbiz.

O, sadyang may Electra complex lang si Maris na father figure ang hinahanap sa isang relasyon?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *