KINUMPIRMA ng actress/host na si Alex Gonzaga na kasal na sila ng kasintahang si Mikee Morada.

“Isa na po akong may bahay at isa na po akong wife,” ayon sa sikat YouTube vlogger.

Inanunsyo ni Alex ang balita sa kanyang vlog, kung saan sinabi rin nito na noong Nobyembre pa sila nag-isang dibdib ng boyfriend.

Ginanap ang kasal sa bahay ng pamilya Gonzaga sa Taytay, Rizal. Kabilang sa mga dumalo ang immediate family ng dalawa.

Sa hiwalay namang Instagram post, makikita ang white gown na sinuot ni Alex, na gawa ng sikat na designer na si Rajo Laurel. Naka-puting barong naman si Mikee.

Nagpaliwanag si Alex sa kanyang milyon-milyong followers kung bakit late na nilang inanunsyo ang kasal.

“We want to celebrate together as a family muna and s’yempre alam din namin yung timing din at tsaka alam din namin na may pandemic. So we just wanted to keep it to ourselves for a little while to celebrate.”

Si Mikee ay councilor sa Lipa City, Batangas. Na-engage ang dalawa noong 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *