WALA pa mang 24 oras ang nakakalipas matapos ang kanyang panganganak, hindi mapigilan ng dating aktres na si Andi Eigenmann ang mag-selfie agad kasama ang fiancé nitong si Philmar Alipayo at ang bagong silang na anak nito.

Sa kanyang Instagram post, makikita ang aktres at Alipayo sa ospital kasama ang new baby nila.

“We did it again papa! This journey was more of a breeze with you by my side,” ani Andi sa caption ng naturang post.

“Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!” dagdag pa niya.

Una nang inanunsyo kamakailan ng ina ng aktres na si Jaclyn Jose na nanganak na si Andi.

Kasalukuyang dalawa na ang chikiting ni Andi — sina Ellie na anak niya kay Jake Ejercito at Lilo na anak niya kay Philmar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *