BAGO pa man ang “love month,” mas lalong lumakas ang usap-usapan hinggil sa lumalalim na pagkakaibigan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Namataan na naman kasi ang dalawa na magkasama at sa pagkakataong ito ay sa pamamagitan na ng beach getaway.

Sa ilang posts ni Adarna, makikitang may iba pa silang kasama kabilang ang kanyang two year old son kay John Lloyd Cruz habang nasa resort sa Batangas.

Nakaagaw ng pansin ng mga netizen ang larawan kung saan tila ba nakaakbay ang 44-year-old actor sa 32-year-old actress.

Nariyan din ang video clip ng kulitan moments ng dalawa kabilang ang talent umano ni Ramsay gamit ang dila nito.

Nabatid na hindi naman tumanggi si Adarna nang ito ay mabuking na pagtambay muli sa bahay ni Ramsay dahil sila ay magkaibigan at mag-kapitbahay pa.

Kamakailan lang nang maging kontrobersyal si Ramsay matapos ang paghihiwalay nila ng aktres na si Andrea Torres at na-link sa singer na si Pops Fernandez na mas matanda sa kanya.

Sa panig naman ni Adarna, kabilang sa kanyang mga nakarelasyon ay ang presidential son na si Baste Duterte at aktor na si John Lloyd Cruz kung saan siya mayroong anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *