BALIK-SHOWBIZ ang aktres na si Cristina Gonzales makalipas ang 15 taon.

Ayon kay Gonzales, mas kilala bilang “Kring Kring” sa entertainment industry, nakabase siya ngayon sa Maynila kaya’t nais niyang sumabak muli sa pag-arte.

Si Gonzales na kasal kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ay naging konsehal ng lungsod sa loob ng siyam na taon o mula 2007 hanggang 2016 at nahalal naman bilang alkalde mula 2016 hanggang 2019.

Nabatid na kalalagda lamang ng aktres ng kontrata sa Viva Artists Agency.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *