PUMALAG si Barbie Imperial matapos mabiktima ng pagkalat online ng edited na nude photo nito.

Kamakailan, kasabay pa man din ng unang araw ng “love month,” ipinost ni Barbie ang original photo niya suot ang kulay neon green na swimuit na pinaglaruan sa bersyon kung saan wala siyang suot na saplot sa katawan.

Tinawag na “stupid” ng girlfriend ni Diego Loyzaga ang mga naniniwala na kaya niyang maghubad sa publiko.

Una nang nanggaliti sa galit noong nakaraang linggo lang sina Sue Ramirez at Maris Racal matapos na pagpiyestahan din sa internet ang edited swimsuit photo nila na kita na ang maseselang bahagi ng katawan.

Kapwa nagbanta ang magkaibigang artista laban sa anila’y mga manyak na naglalaan ng oras para babuyin ang pagkatao ng isang babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *