AABOT sa halagang P105,000 ang perang ibinigay ni Raffy Tulfo bilang tulong kay Lani Misalucha sa reklamo nito nitong February 1.

Inakusahan ng Asia’s Nightingale ang kanyang dating admin na si Maynard Oliver Vergara na nagnakaw umano ng kanyang Lyka gems at Bigo beans na kung pagsasamahin ang mga kinita’y aabot sa nasabing halaga.

Idinulog ni Lani ang kanyang reklamo sa programa ni Raffy.

Aniya, sobrang pinagkatiwalaan niya si Maynard na nangakong pangangasiwaan ang kanyang Lukka at Bigo. Ang Lyka ay isang social app samantalang ang Bigo ay isang live streaming app.

Nagtiwala naman daw ang singer dahil dagdag-tulong din ang kikitain nu’n sa pagpapagamot nilang mag-asawa. Matatandaang noong isang taon ay dinapuan sila ng kanyang mister ng bacterial meningitis.

Nakausap naman ni Raffy si Maynard nang kontakin pero binabaan lang siya ng telepono. Abut-abot naman ang pasasalamat ni Lani sa tulong pinansyal na ipinagkaloob ni Raffy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *