MAAYOS daw na naghiwa-lay at walang samaan ng loob sa isa’t isa sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

“We have no hate towards one another. I don’t think so. I don’t think she hates me and I definitely don’t hate her and her family,” sey ni Derek sa YouTube vlog ni Pops Fernandez kamakailan.

“We were together for over a year and it was very sudden. When the break-up happened, it came out of nowhere. It kind of blindsided me,” dagdag niya.

Nang tanungin kung tingin niya ay may closure sila ni Andrea, sinabi ni Derek na darating din ito pero tiniyak niya na walang galit at walang walang pagsisisi sa kanilang hiwalayan.

“I think that will come with time but definitely no hate, no regrets,” sambit ni Derek.

Pareho rin daw nilang desisyon ni Andrea ang paghihiwalay.

“We ran across a little problem that became something much bigger and I guess we both realized that it was something na both of us cannot make certain adjustments to,” aniya.

Matatandaang binatikos si Derek dahil ang bilis daw nitong naka-move on kay Andrea at kamakailan kinumpirma na mag-on na sila ni Ellen Adarna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *