IBINUNYAG ng aktor na si Gerald Anderson na masaya siya ngayon dahil kay Julia Barretto.

Ginawa ni Anderson ang pahayag matapos ang mahigit isang taong espekulasyon ukol sa kanilang relasyon.

Sa isang show, tinanong ni Boy Abunda si Anderson kung si Barretto ba ay “source of happiness” para sa kanya kung saan sumagot naman ang aktor ng “oo”.

Mariin ding pinabulaanan ng aktor na “na-ghost” niya si Bea Alonzo dahil nagkaroon naman umano sila ng pag-uusap ukol sa hiwalayan nilang dalawa.

Matatandaang noong 2019 ay pumutok ang balita ng paghihiwalay nila ni Alonzo at ang isa sa mga itinuturong dahilan ay si Barretto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *