NAKAHINGA na ng maluwag si Aileen Quimado Iwamoto o mas kilala sa kanyang stage name na Iwa Moto, matapos ang ligtas na panganganak sa second baby nila ng long time partner na si “Pampi” Lacson Jr.

Ayon sa 32-year-old actress, hindi naging madali ang kanyang pagbubuntis at katunayan ay hindi pa niya kabuwanan.

“But I guess baby CJ is so excited to see and conquer the outside world. Such a warrior just like me, isn’t he?” saad ni Iwa.

Nitong 01-21-21 (January 21, 2021) isinilang ni Moto si baby CJ o Caleb Jiro.

Nabatid na seven years old na ang panganay ng Fil-Japanese sexy actress sa anak ni Sen. “Ping” Lacson, na si Hiromi Eve.

Mayroon na ring anak na lalaki si Pampi sa aktres at dating misis na si Jodi Sta. Maria.

Sa ngayon ay sinasabing bagong kasintahan ni Jodi ay ang aktor na si Raymart Santiago.

Una nang naging usap-usapan ang pagiging “close” nina Iwa at Jodi kung saan may mga pagkakataon noon na nagkaka-bonding pa ang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *