AYAW tantanan ng mga kate-katerang netizens si Julia Barretto. Naging usap-usapan ang pag-like niya umano sa fan page nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Naka-post kasi sa nasabing fan page ang pagrampa ni Dominic na umano’y kinunan ni Bea.

May mga nagtaka rin kung bakit naligaw si Julia sa nasabing fan page.

Pang-iintriga ng mga nakapansin, nang-i-stalk daw ang Viva artist kay Bea dahil fishing at wishing ito na umamin na ang rumored sweethearts sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kung aamin kasi ang dalawa sa kanilang love affair, puwede na raw siyang mag-come out in the open to freely confess ang tungkol sa kanilang pagmamabutihan ni Gerald Anderson.

Kung mangyayari raw ito, abswelto na si gurl dahil naunang nagpalit ng ex si Bea at makakawala na sa panghuhusga na siya ang naging third party sa hiwalayang Bea at Gerald.

Pagtatanggol naman ng ilan, pagpakita daw ng suporta kay Dom ang ginawa ni Julia na for some time ay naging friend din niya.

Kung totoo nga na si Julia ito at hindi isang poser, baka pahiwatig na ito para makipag-kiss and make up siya sa aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *