SI Paulo Avelino, na nag-trending kamakailan dahil sa pagpapasilip umano ng kanyang ari, ang type ng bagong “Darna” na maging leading man.

Sa isang panayam sa media conference ng “Ang Probinsyano” ay inamin ni Jane na celebrity crush niya ang aktor.

Maliban daw kasi sa pagiging guwapo ay sobrang galing din nito sa aktingan kaya gusto niyang makaeksena.

Pagdating naman sa aktres, ilan sa gustong makatrabaho ni Jane ay sina Charo Santos, Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Sa kasalukuyan ay kasama sa cast ng “Ang Probinsyano” si Jane bilang si Pol. Cap. Natalia Mante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *