PARAAN ba ni Julia Montes ang ipinost niya sa kanyang Instagram Stories ng pag-amin sa umano’y relasyon nila ni Coco Martin?

Kamakailan ay ipinost ni Julia ang trailer ng pelikula ni Coco kasama si Angelica Panganiban.

Ito’y ang pelikulang “Love or Money” na nilagyan pa ni Julia ng playdate, March 12.

Matagal nang usap-usapan ang tungkol sa relasyon nina Coco, 39 at Julia, 25. Pero hanggang ngayon ay wala silang pag-amin.

Pero sa tuwing kaarawan ni Coco (November 1) ay hindi maaaring walang birthday greeting post si Julia.

Minsan nang naiulat ng Remate Online ang takaw-pansing litrato ni Coco sa pantry o kusina ng kanyang bahay. Nasa likod kasi ng nakatayong si Coco ang isang baby feeding bottle na kung sinuman ang may-ari ay naging pahulaan.

Matatandaang natsismis na kaya nawala nang matagal si Julia ay nagsilang ito ng kanilang anak ni Coco. Pero ang lahat ng ito’y puro haka-haka lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *