GRABE naman ang ilang netizens dito sa ating bansa. Talagang deretsahan na kung mambastos ng showbiz idols.

Isa sa mga binastos kamakailan ay si Leila Alcasid, ang singer din na anak ni Ogie Alcasid sa ex-wife n’yang beauty queen na si Michelle Van Eimeren.

Nag-post si Leila sa Instagram n’ya ng picture na nakayakap sa likod n’ya ang boyfriend n’yang indie artist na si Curtismith.

Kahit na hindi malaswa ang larawan, may isang netizen na walang-pakundangang nag-react sa post ni Leila: “Nakakapanghinayang bata pa pero laspag nah ng jowa tsk.”

Offended si Leila kaya sinagot n’ya ito.

Aniya (published as is): “Only saying this once: stop commenting on my pics with my boyfriend saying ‘ang bata pa’ / other nosy comments. I’m turning 24 this year man!!!!!”

Dagdag pa n’ya: “I don’t want to mind comments but this is so rude. I’m in a happy loving relationship with a very respectful person and would prefer we not be referred to this way.”

Si Curtismith ay isang 28-year-old singer-songwriter na ang tunay na pangalan ay Mito Fabie na naitampok na sa ilang music festivals, kabilang na ang Wanderland Music and Arts Festival nu’ng 2016.

Si Leila ay ipinanganak at lumaki sa Australia. Tagaroon ang ina n’yang si Michelle na naging Miss Australia, na nakilala ni Ogie dito sa Pilipinas nu’ng 1994 nang i-represent niya ang Australia sa Miss Universe pageant na ginanap dito sa bansa.

Nu’ng 18 years old na si Leila, pumunta siya sa Pilipinas, pumisan kina Ogie at sa pangalawang misis nito na si Regine Velasquez. Matagal nang divorced sina Ogie at Michelle at magkasundo naman sina Regine at Leila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *