PASASALAMAT lamang para sa pagiging “loyal ate” ang dahilan ng pagbigay ni Bimby Aquino-Yap ng bulaklak at love letter sa aktres na si Miles Ocampo nitong Valentine’s Day.

Ito’y matapos akalain ng ilan na nililigawan umano ng 13-anyos na bunsong anak ni Kris Aquino ang dating child star na ngayon ay 23-years-old na.

Sa naturang liham, ipinaabot ni Bimby ang kanyang wish na sana ay makatanggap na rin ng sulat ang kanyang ate Miles mula sa boyfriend nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *