CERTIFIED daddy muli si Mark Herras kasunod ng pagsilang ng newbie actress at fiancee na si Nicole Donesa sa kanilang panganay.

Ngayong araw kasabay ng pagpasok ng “love month,” inanunsyo ni Herras ang ligtas na panganganak ni Nicole Donesa kahapon.
May palayaw na Corky Co (Nicole), Rk (Mark), at y (baby), may bigat na 7.3 pounds at haba na 53 cm ang kanilang newborn baby.

Si Mark Fernando ay pangalawang anak ni Mark kung saan pitong taong gulang na ang kanyang anak na babae sa dating handler niya na si Diane Evangelista.

Nabatid na “dream come true” ng 34-year-old actor ang pagkakaroon na ng baby boy, habang baby girl sana ang nais na maging panganay ng 26-year-old actress.

Hunyo noong nakaraang taon ay naging engaged na ang dalawa.

Bago sa wife to be, naging kasintahan ni Herras ang first ever Pinay na tinanghal bilang Reina Hispanoamericana noong 2017 na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez.

Si Donesa ay nakasama ni Mark sa isang teleserye.

Pebrero 2019 nang umamin si Winwyn na nauwi sa hiwalayan ang tatlong taong pagiging magkasintahan nila ni Herras at wala namang “third party.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *