ANG dapat sana’y sasama lang sa ospital para magpatingin ang asawa, ang ending ay ito ang na-confine.

Ito ang nangyari kina Senator Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado nitong February 4.

Natuklasan kasi na may konting bara sa blood vessels sa puso ni Lani kaya kinailangan niyang sumailalim sa angiogram (isang medical procedure). Inabot din ito nang dalawang oras.

Bago rito’y idinaan ni Bong sa Facebook ang paghingi ng panalangin para sa kanyang maybahay. Diet, exercise at pag-iwas sa stress ang payo ng doktor sa aktres-pulitiko.

Nagpapasalamat si Lani na hindi na kailangang sumailalim pa sa angioplasty, “God is good. Gusto ko pa ng more apo.” Aligaga agad itong bumalik sa trabaho sa kabila ng pagtutol ng doktor at mga anak.

Samantala, nag-undergo naman ng endoscopy at colonoscopy si Bong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *